Biyernes, Oktubre 11, 2019

Pagbabawalan paggamit ng Plastic Bag

Karamihan sa mga plastic bag ay nagtatapos sa mga landfill o bilang basura at hindi mahalaga kung paano pagbabawalan para iwas at ligtas ang ating kalikasan.Dapat iwasan ang pagamit ng plastik bag ito ay nakakasamang apekto sa kapaligiran.Bukod doon,  ang paghihiwalay din ng basura gaya ng posisyon ng ilang kababayan ay ipinatutupad kung saan malaking kabawasan sa itinatapon ang mga pwedeng muling gamitin at mairesiklo.

Ayon sa EPA, and recycle lamang ng plastik materials noon, taong-taon nangangahulugan ito na 92.81bilyon na plastik bag ay hindi recycled bawat taon.Hindi maayos ang mga plastik bag mula sa iba pang mga materyales ng makinarya sa mga kagamitan sa pag recycle.Ito ay hindi praktikal para sa mga plastik bag na makokolekta.Marami nang nangangampanya laban sa plastic bag sa iba’t ibang panig ng mundo. Nariyan din ang “Ban the Bag! – A campaign to end single use plastic bags in Portland” sa facebook. Nariyan din ang Ban the Bag Alliance sa Australia, http://www.banthebag.com.au. Ayon sa pahayagang Jordan Times, “UNESCO launches campaign against plastic bags”, ibig sabihin, kahit ang isang sangay ng United Nations, ay nangangampanya na rin laban sa paggamit ng mga plastik bag. Anupa’t sadyang pandaigdigan ang kampanyang ito. Sa Jakarta Post naman, ibinalita nitong may 150 boluntaryo sa Aceh ang nangangampanya sa mga Indones na bawasan na ang paggamit ng mga plastic bag upang mabawasan ang mga basurang plastik, at isa sa kanilang mga aksyon ay ang pagpapalit ng sampung plastic bag kapalit ng isang telang grocery bag. Sa ating bansa naman ay nariyan ang EcoWaste Coalition, Green Convergence, at iba pang grupo na ayaw sa plastik. Kailangan nating magpakatotoo sa kampanyang ito, dahil kung hindi, matuturing lang tayong plastik.

Ayon kay Kua Arlene ",magandang panukalang mga opisyal sa quezon city pero paano naman po yung may restaurant business pwede po ba bagong or eco-friendly bag na tela di kaya magtapon ng mga basura saan naman po nila ilalagak ang kanilang basura diba trash bag ang gawa din po sa plastik bag."-Bandila Official.Sabi naman ni Rep. Aurelio Gonzales (3rd District, Pampanga), na isa rin sa may-akda ng panukala, “The phase-out of plastic bags is a practical contribution to the collective efforts of solving the country’s environmental problems.” (Ang pag-alis sa mga bag na plastik ay isang praktikal na ambag sa kolektibong pagsisikap na maresolba ang mga problemang pangkapaligiran ng bansa.) Ayon naman sa prinsipal na may-akda ng panukala na si Rep. Oscar Malapitan (1st District, Caloocan City), “the recovery system will lead citizens to exert effort and give their due share in protecting the environment by bringing used plastic bags to stores and commercial establishments which in turn shall provide the logistics for recovery of these plastic shopping bags.

Ayon kay Cel saff, pag iingat sa mamimili.Bilang tugon sa pagkolekta ng basura na plastik sa karagatan, estado, negosyo at kahit na ang pagbabawalan paggamit ng pang araw-araw ng plastik.Ayon sa pahayagang Jordan Times, “UNESCO launches campaign against plastic bags”, ibig sabihin, kahit ang isang sangay ng United Nations, ay nangangampanya na rin laban sa paggamit ng mga plastik bag. Anupa’t sadyang pandaigdigan ang kampanyang ito. Sa Jakarta Post naman, ibinalita nitong may 150 boluntaryo sa Aceh ang nangangampanya sa mga Indones na bawasan na ang paggamit ng mga plastic bag upang mabawasan ang mga basurang plastik, at isa sa kanilang mga aksyon ay ang pagpapalit ng sampung plastic bag kapalit ng isang telang grocery bag. Sa ating bansa naman ay nariyan ang EcoWaste Coalition, Green Convergence, at iba pang grupo na ayaw sa plastik. Kailangan nating magpakatotoo sa kampanyang ito, dahil kung hindi, matuturing lang tayong plastik.


Ngayong marami nang nagmumulat sa masamang dulot ng plastic, may mga tumutulig sa naman na hindi araw dapat isisi sa plastik ang dahilan ng pagbaha.Mas makatipid daw kung sa plastik kaysa papel ang gagamitin.Marami raw kahoy ang puputulin para makagawa ng papel samantang walang kahoy na sangkop sa plastik.Dapat daw Pag-asa mabuti ang sitwasyon bago tuluyang ipagbawal ang plastik.Sa sariling eksperimentong ginawa, napansin na kayang punuin ang isang malaking plastic bag ang lahat ng pinaglagyanan ng sando bags at 8×11 bags sa loob lamang ng isang linggong bumibili ng mga gulay o anumang pagkain bago umuwi sa bahay pagkagaling sa trabaho. Sa pagtataya, kung ang bawat pamilyang Pilipino ay may ganitong praktika ng pagtatapon, hindi imposibleng mapuno ng isang may kalakihang  barangay ang ilang trak ng basura ng plastic kada isang linggong hakot.Ang sumunod na tanong ay kung saan dadalhin ang mga nahakot na plastic na ito liban pa sa ilang basurang kasamang itinatapon dito. Mainam talaga sana kung nakahiwalay ang mga nasabing uri ng basura upang mairesiklo ang pwedeng mairesiko, gawing pataba ang pwedeng pataba sa lupa, at ang plastik ay maipon upang sistematikong maitapon sila lalo pa kung sinasabing ang isang pirasong plastik na hindi oxo-gradable ay tumatagal ng hanggang sampung taon bago tuluyang malusaw, matunaw o mabulok.Sa pag-aaral ng Waste Management Department ng  Lungsod Quezon bago tuluyang ipinatupad ang pagbabawas ng plastik, binanggit ng tagapagsalita sa isang interbyu sa telebisyon na ang ordinansa ay pagbabawas ng plastic at hindi pagbabawal nito. Ayon sa kanila, nakikita pa rin ang kahalagahan ng paggamit ng plastic sa ibang gawain kung kaya’t mas makatotohanan diumano ang ordinansang pagbabawas kaysa pagbabawal nito. Binibili na ang plastic kapag kakailanganin ito at sa ganoong paraan ay nayayakag ang mga residenteng magdala ng kanilang bayong o iba pang lalagyan upang maiwasan ng pagdadagdag ng bayad.

Ang mga bag ito ay madalas na ibat ibang mga kulay na kumakatawan sa isa pang mapagkukunan at potensyal na marumi.Ayon sa Ulat ng Uk Environmental Angency, ang isang bag ng papel ay kailagang magamit muli ng hindi mababa sa apat na beses, at ang mga koton ng hindi bumaba sa 173 beses, upang magkaroon ng mas mababang epekto sa mga solong plastik na gamit sa mapagkukunan, eherhiya at kinalabasan ng greenhouse.Ayon sa grupong EcoWaste Coalition (Philippine Daily Inquirer, Hulyo 4, 2013), umaabot na sa siyamnapung (90) lungsod at bayan ang nagpasa ng ordinansa na nagbabawal o kaya’y nagsagawa na ng patakaran sa wastong paggamit ng mga bag na plastik. Madaragdagan pa ang bilang na ito bago matapos ang taon, ayon pa sa Ecowaste. Noong Hulyo 3, 2013, pinangunahan ng EcoWaste ang mahigit limangdaang (500) katao, na kinabibilangan ng mga estudyante, opisyal ng paaralan, mga opisyal ng samahan ng magulang at guro, mga beauty queens at mga makakalikasan upang gunitain ang ikaapat na “International Plastic Bag-Free Day” o “Pandaigdigang Araw na Walang Bag na Plastik”. Nanawagan din sila sa pambansang pamahalaan na magsagawa ng mga batas at patakarang nagbabawal sa mga bag na plastik sa buong bansa.

Mga pangangatwiran para sa plastik bag (laban sa isang pagbabawal) mga gastos sa mababang produksyon, kaunting kemikal ang kinakailagan.Ang produksyon ay nangangailagan ng kaunting enerhiya at madaling propeso.Nang magsimula ako sa kilusang makakalikasan, nakadaupang palad ko ang ilang mga taong naging bahagi ng pag-unlad ko sa gawaing makakalikasan. Isa ako sa naimbitahan noon sa bahay ni Odette Alcantara, noong nabubuhay pa siya, sa kanyang bahay sa Blue Ridge, kasama ang ilang dumadalo rin sa Kamayan Forum sa Edsa, at nakita ko kung paano ba pinagbubukod ang nabubulok sa hindi nabubulok. Ang mga nabubulok, tulad ng dahon, papel, at pagkain, ay ibinabaon nila sa lupa. Merong maliit na lote sa malapit sa kanila ang pinagbabaunan ng mga nabubulok. Iyon namang hindi nabubulok, tulad ng bote, lata, at plastik, ay ibinubukod at ibinebenta, ang lata ay pinipipi bago ibenta, at inihihiwalay ang plastik. Doon ko rin nalaman ang tungkol sa Linis Ganda, kung saan may mga kariton itong nangunguha ng mga hindi nabubulok upang magamit pang muli, o yaong tinatawag na resiklo.Sa mga establisyemento, may bayad na ang sinumang mangangailangan ng plastic kung kaya’t inaasahang may dalang mga lalagyan ng pinamili ang mga tao. Inilalagay naman sa brown paper ang mga pinamiling pagkain sa mga fast food at restaurant habang ipinanghalili sa mga styrofoam ang mga lalagyan ng pagkaing gawa sa papel.Sa mga eskwelahan at ibang institusyon, kapansin-pansin na ipinagbabawal ang paggamit ng Styrofoam bago pa nagkaroon ng mga kautusan sa pagbabawas ng plastic. Layunin nitong magkaroon ng consistency  sa praktika ang mga tao. Ito rin ay itinuturing na mahalagang kontribusyon na kanilang ginagampanan sa pagprotekta ng ating kapaligiran. Bukod pa riyan, may ilang mga eskwelahan rin ang nagpatupad ng self-bussing system kung saan  tinuturuan ang mga batang ihatid ang kanilang pinagkainan sa hugasan at hindi na lang basta iwan sa lamesa.

Araw-araw na nakatagpo ka ng ibat ibang uri ng plastik sa iyong buhay, maging isang kahon ng tanghalian o mas karaniwang isang plastik bag. Kailagan turuan ang mga tao tungkol sa paggamit ng plastik.Ito ay lamang kapag paano ma solusyonan ang kapaligiran.Ipinagbawal din ang pagsusunog ng basura, dahil masama sa katawan ng tao ang amoy ng nasusunog na plastik. Sa mga bakuran o tarangkahan ng mga bahay-bahay, lalo na sa mga lalawigan, ay mahilig magsunog ng basura. Iipunin ang mga dahon-dahon at sisigaan tabi ng isang puno upang maalis umano ang mga peste at gumanda, lumago at mamunga ang puno. Ang problema ay kung may nasasamang plastik sa nasusunog na basura. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Oras na Gawain ko !

Maganda na ang iskedyul ng ikalawang hapon hanggang ikapito ng gabi dahil makagawa pa ako ng proyekto at makatulong sa aming magulang kasi ...